Hindi tayo magpapalihis dahil alam natin kung saan tayo patungo. Sabay-sabay tayong nakatutok at gumagalaw papunta sa isang UP kung saan dinig ang kuwento ng bawat Iskolar sa gitna ng mga sigaw.
Hindi tayo magpapalihis dahil malinaw sa atin ang ating layunin. Sama-sama tayo sa pagbuo muli ng isang University Student Council kung saan inuuna ang paglilingkod na hindi naaantala – isang Konsehong binubuo ng mga kasaping may pagpapahalaga sa tungkulin sa kapwa mag-aaral at mamamayan.
Hindi tayo magpapalihis dahil may tiwala tayong hindi rin magpapalihis ang bawat mag-aaral ng UP. Taglay ng bawat Iskolar ng Bayan ang pag-iisip na ginagabayan ng pagiging matalino at kritikal, na siyang magtatakda sa ating pagdedesisyon sa eleksyon. Magkakasama tayo sa paniniwalang boto ang tugon natin sa ating mga narinig nitong nakaraang mga araw, maganda man o hindi.
Sa darating na Huwebes, ika-27 ng Pebrero, paparating na tayo. Sa araw ng eleksyon para sa University Student Council, paparating na ang pagbabago. Simula na ng BAGONG USC.
VOTE STRAIGHT ALYANSA SA USC ON THURSDAY!