Bilang parte ng ALYANSA mas minabuti kong isulat itong aking salaysay sa Filipino. Masakit sa ilong ang sumulat sa Ingles lalo na kung ito ang pamamaraan ng komunikasyon sa opisina. Natuwa naman ako nang maimbitahan akong sumulat tungkol sa personal kong experience sa ALYANSA. Nais kong ibahagi kung paano lubos na naimpluwensahan ng ALYANSA ang aking pagkatao mula sa aking karakter, pag iisip at pakikihalubilo sa mga tao.
Sinasabi natin na ang ating pormasyon ay progressive at multi-perspective, ito ang natatangi kong ipinagmamalaki sa aking pakikipaghalubilo sa mga tao. Alam naman natin na hindi pare-pareho ang mga tao at ang pagkakaroon na bukas at malawak na pang-unawa ay naitutulong ng pagiging multi-perspective. Corny kung iisipin pero kung tutuusin nangyayari nga ito araw araw. Sa dami ng nakakasalamuha kong tao lalo na sa ngayon, mahalaga maging mapag-unawa. Hindi ko kailangan ipilit sa tao ang mga paniniwala na mayroon ako, kailangan lamang maipaunawa sa kanila kung ano ang klase ng prinsipyo ko. Progressive pa rin ako kasi nakukuha ko pa rin palawagin ang pang unawa ko sa prinsipyo ng ibang tao at hindi ko isinasara ang pag-iisip ko sa mga pagbabagong pwede palang mangyari sa aking paniniwala.
Siyempre, dahil hindi perpekto ang mundo lalo na sa pribadong korporasyon, marami pa ring reklamo --- lalo na sa kaso ko! Reklamo kung reklamo pa nga eh. Pero, ang natutunan ko sa ALYANSA, sa bawat reklamo kailangan maging proactive. Sa bawat reklamo, importanteng tumbasan mo ng suggestion kung paano malulutas ang problema. Natural ang reklamo pero sa akin kasi nagrereklamo ang isang tao kasi alam niyang may mabuti pang paraan para gawin ang mga bagay-bagay. Alam ko na ganyan ang ALYANSA kaya nga tayo naiiba sa pormasyon na nasa UP.
Kung tutuusin ang isang miyembro ng pormasyon tulad ng ALYANSA, nahuhubog ang personalidad depende sa paniniwala na nasa pormasyon. Kaya nga. kapag may natatanong sa akin…
“Bakit ka ba ganyan?”
“UP ALYANSA kasi ako… angal ka?”
Libz Palomo
Web Process Owner, IBM Business Services
BA Political Science (2001)
MA Industrial Relations, UP SOLAIR (2007-to date)
Councilor, CSSP Student Council 1999-2000
Councilor, University Student Council 2000-2001
Founding Member, UP ALYANSA